bakit nga ba tayo ganito?saan tayo nagsimula?
minsan kahit isipin kong ayoko ng makipag-usap sayo, andyan ka na naman para kulitin akong kausapin ka..
kakaiba ka talaga..napakakulit mo..ayaw mo kong tigilan..
at sa tagal nga ng pangungulit mo, nasanay na ako..nasanay na akong ibuhos sayo lahat ng nararamdaman ko..nasanay na akong ipagsigawan sayo ang lahat ng sama ng loob ko..nasanay na akong hingin sayo lahat, kahit simpleng bagay..nasanay na akong kasama ka...nasanay na akong sa bawat umaga, ikaw ang gusto kong kausapin, galit man ako o masaya, gusto ko ikaw unang makaalam..
wala na nga siguro akong maitatago sayo..alam mo na lahat eh. bawat hibla ng buhok ko at amoy ng paa ko, kabisado mo na..ang galing mo, nakakabilib ang pagtyaga mo sakin..
di ko alam kung panu ako magpapasalamt sayo..sa dami ng bagay na ginawa mo sakin..sa mga sakripisyong patuloy na pinagtitiisan mo makita mo lang akong masaya..isa kang biyayang di ko maipaliwanag..ang dami mong tinuro sakin..lahat ng dapat kong malaman sa buhay..ikaw ang tanging nagparamdam sakin ng totoong pagmamahal..di ko alam ang gagawin ko pagnawala ka..alam ko namang di mo ako iiwan kahit anu pa ang gawin ko, ang sakin lang, sana di rin kita iwan..
naalala ko pa, kahit di ako magsalita, alam mo na kaagad na may bagahe akong dindala..di ko alam kung panu mo nagagawa yun..kahit wala akong sinasabi,nakaready kana..
pano kaya talaga kung iwan mo ko?makakaya ko kaya?pakakawalan mo ba ako? alam mo naman siguro ang sagot ko diba?HINDI KO KAYA..HINDI KO KAYANG WALA KA..di mo naman ako bibitiwan di ba?
sana habang buhay nasa tabi mo rin ako gaya ng pinangako mo din sakin..alam kong maraming beses na kitang sinaktan at madaming beses mo na din akong sinuyo..madaming beses mo na din akong yinakap at binuhusan ng pagmamahal sa kabila ng mga ginawa ko..
minsan tinatanong ko nga sa sarili ko kung bakit ka ganyan..bakit sobrang bait mo sakin..bakit sobra sobra ka magmahal sa taong tulad ko..
mahal din kita, pero di ko alam kung papantay yun sa pagmamahal na binigay mo sakin..ang tindi mo naman kasi talaga..ang tindi mo magmahal..na hanggang kamatayan kaya mong ibigay ang pagmamahal na yan..muntik ko ng makalimutan, tinanggap mo pala ang kamatayan sa tindi ng pagmamahal mo sakin..bakit ka ganun?sino ba ako sayo?
walang kapalit at walang katulad ang ginawa mo para sakin..isa kang tunay na kapatid, katropa, kafacebook, katwitter, katumblr , lahat na..
isa kang tunay na kaibigang patuloy na nagmamahal sakin sa kabila ng lahat..
isa kang kakaibang nilalang..
isa kang Diyos na nagkatawang tao para mahalin ako..
wala kang katulad...iba ka kaibigan..iba ka...
salamat sa lahat..salamat sayo..salamat...walang hanggang pasasalamat..
sana magkaroon ako ng pagkakataog mahalin ka sa paraang mahal mo ako..
photos form yahoo.com
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento