Hindi ko alam kung bakit sa loob ng isang araw dalawang
beses kang naging subject sa mga pag uusap namen ng mga kaibigan ko. Bakit nga
ba? May kailangan ba akong ayusin at balikan?
Halos apat na taon na ang nakaraan ng nagdesisyon akong tapusin ang kung ano man ang meron tayo. Nagdesisyon akong mag isa. hindi ko na kaya, at pakiramdam ko wala namang magandang maidudulot satin ang kung anu man ang meron tayo. Ayaw mo, gusto ko, wala kang nagawa.
![]() |
naalala ko lang to.. :) |
Masaya ako sa
maikling oras na nakasama kita. At mas higit na masaya ako sa maraming taong naghintay
ka. Pero siguro nga may mga bagay na hindi talaga para satin.
Nasaktan ako nung nakita kong masaya kana din sa iba. Unfair
talaga ako kasi nagsimula na naman akong magparamdam sayo. Hindi ko lang talaga
kayang tanggapin sa mga panahong yon na hindi na ako ang priority mo. Na pwede
ka palang ngumiti na hindi na ako ang rason.
Hindi ko alam kung anong nangyari sayo. Kung isa man ako sa
naging rason kung bakit ka ganyan, sana magkaron tayo ng oras na magkausap
ulit. Kung bakit pa kasi ngayon ko lang din napag isipan ang mga bagay na ito.
Baka nga may kailangan pa tayong ayusin at tuluyang tapusin.
Mahal kita bilang isang kaibigan, at hindi mawawala yun kasi
dun tayo nagsimula.
Salamat sa pagmamahal mo sakin araw araw. Ramdam ko yun,
hanggang ngayon.
2 (mga) komento:
talagang may mga ganitong eksena? hehe hanep! :)
hehe..oo..nabahala kasi ako nitong mga nakaraan..haha ♥
Mag-post ng isang Komento