LOVE!

"" We love because he first loved us." -

LIVE!

““Keep away from those who try to belittle your ambitions. Small people always do that, but the really great make you believe that you too can become great.”.” -

EXPLORE!..

“One measure of friendship consists not in the number of things friends can discuss, but in the number of things they need no longer mention.”

CELEBRATE!

“I tell you the truth, no one can enter the kingdom of God unless he is born of water and the Spirit. Flesh gives birth to flesh, but the Spirit gives birth to spirit."

MY MISSION, MY PASSION !!

"We are therefore Christ’s ambassadors, as though God were making his appeal through us. We implore you on Christ’s behalf: Be reconciled to God." -

Lunes, Nobyembre 26, 2012

dear

dear dear dear,

pambihira ka naman.. ilang buwan na akong ganito sayo at parang continuous ang sitwasyon.. tapos ikaw, ginagawa mo akong status update mo..

oh life! hanggang kelan tayo ganito..nakakaramdam naman ako ng feelings ng ibang tao, pero yung sayo, bat di ko man lang mabasa..o sadyang wala talaga akong mababasa..

kung di ako nagkakamali magpipitong buwan mo na akong ginagawang shock absorber, yun nga, status update, kung nasaan kana , anu ginagawa mo, anu nangyari sayo, asan mga magulang mo, problema mo sa office, pakikipagdate mo, problema mo sa mga gamit mo, pagbudget mo, plano mo, mga gusto mong gawin, mga gusto mong baguhin, mga past experiences mo at kung anu anu pang mga gusto mong sabihin tungkol sa buhay mo.. di mo ba nahahalata, konti nalang memorize ko na kung sino ka talaga..baka mamaya magulat nalang aq na sakin mo itanong mga memories mo..diary ba ako dear?

sa mahigit kumulang 7,000 exchange of messages natin and counting pa pala, di ko alam kung anu ako sayo..
at ang nakakabaliw dun, alam ko na kung anu ka sakin..comedy diba?

pambihira talaga..nakakapagtaka ang sitwasyon ko..gusto ko munang dumistansya sayo, pero kung makapagtanong ka kung ganun ba talaga ako ka-occupied bat di ako nakapunta, eh parang ang laking kasalanan na ng nagawa ko..ang weird mo dba..

haynaku dear..pasalamat ka mahal kita kaya lagi akong available para sayo..ipagdasal mo na wag akong mapagod..dahil pagnasanay ka, at pagod na ako, lagot na.. :)

sige, magpapakasaya muna ako sa kung anong kaya mong ioffer sakin..friends, so let's be friends..




Linggo, Nobyembre 18, 2012

november 19

magbabaptism na nga..

november 19, monday, 3 days before baptism ng clp: namulat akong mabigat ang loob, iba iba ang nararamdaman, malungkot, at parang gusto kong sumigaw. eto na naman ako, tulad ng dati, di mapaliwanag nang lubos ang sarili. pakatapos ng ilang minutong pagkatulala, nakita ko ang aking sariling namumugto ang mata sa luha. bakit ako umiiyak? bakit nga ba?

may mga oras na gusto kong suyurin ang isip at puso ko upang mahanap ang rason ng aking madalas na pagluha. nung una, di ko maramdaman at mahanap ang sagot kung bakit. at hanggang ngayon, alam kong may iba't ibang rason, pero di ko pa rin matumbok ang mga rasong yun.

anu man ang dahilan ng mga pagluhang yun, isa lang ang maliwanag kong nakikita, pagmamahal. pagmamahal na hindi ko na maipaliwanag. pagmamahal sa ibang tao, sa pamilya at sa nag iisa kong Diyos. pagmamahal na hindi ko mailabas at maipakita sa kanila. pagmamahal na patuloy kong tinatago sa sarili ko.

siguro darating ang tamang panahon na ang lahat ng nararamdaman kong pagmamahal ay maipapakita ko sa kanila. sa ngayon, maaring masaya ako sa kadahilanang marunong akong magmahal at muli kong binuksan ang puso kong ibigin ang mga taong ito. sa ngayon maaring naguguluhan ako sa ibang bagay, pero naroon pa rin ang paniniwala ko sa minamahal kong Diyos, na pinapatawad Niya ako sa anumang mga nagawa ko.

handa ulit ako sa mga susunod na pagluha tulad ng pagiging handa kong magmahal.