Isusumbong
kita sa tatay ko!!!!! Subukan mong awayin ako!!!!
Saktong
sakto..ganyang ganyan ang mga katagang binibitawan ng mga kalaro ko sa tuwing
magtatalo kami sa mga simpleng laro.. pag yan na ang lumabas sa bibig nila, mas
lalo akong tumatapang.. mas lalo akong hindi nagpapadaig.. pero ang totoo,
nanginginig na sa takot ang buong katawan ko..
Bakit nga ba
madalas ipagmayabang ng bawat bata na may tatay silang masusumbungan.. bakit
nga ba in an instant yan ang sinasabi nila sa tuwing nakakaramdam sila ng
pang-aapi..bakit nga ba takot na takot silang magpaalam sa mga tatay nila sa
tuwing may mga lakad silang pupuntahan..bakit nga ba kahit pinayagan ka na ng
nanay, eh kailangan pa ding magpaalam sa tatay at sa kanya pa din ang huling
hatol.. bakit nga ba tay?
Bukod sa
pagiging haligi at pundasyon ng tahanan, si tatay ang last to decide.. sa kanya
nakasalalay kung matutuloy ka sa lakad na matagal niyo ng pinagplanuhan ng mga
barkada mo.. sa kanya nakasandal ang paghihiganti mo sa bawat kaklase o
kalarong nang-api sayo..kay tatay nakasalalay kung pwede ka ng ligawan o
manligaw..si tatay ang magsasabi ng tamang edad ng pag-inom at
pakikipagrelasyon..minsan pa nga, si tatay ang magdedecide kung anu ang
magiging future mo..
Ang sarap sa
pakiramdam na sa bawat yugto ng buhay mo, sa paglaki mo at sa pagharap mo sa
yong kinabukasan, laging present si tatay para umalalay sayo..
Masarap nga
ba talaga sa pakiramdam? Pano kung ang dapat na maging haligi ng tahanan ay di
kayang itayo ang kanyang haligi? Pano kung nabibigatan sya sa pagtayo nito? O
pano kaya kung hindi pa sya handa sa ganitong buhay? Pano nga ba? O kaya naman,
pano niya kakayanin ito kung mismong buhay niya ay hindi niya maitayo? Pano nga
ba tatay?
Sa pabago
bagong panahon, minsan natatanggap na ng lipunan ang kaduwagan ng mga tatay.
Tanggap na ng bawat mamamayan ang kahinaan ng mga tatay. Tanggap na ng
karamihan pag sinabi nilang hindi nila kaya..
Malamang ay
tanggap na nga ng lahat ang ganitong eksena sa kanilang buhay. Pero naisip kaya
nila kung tanggap na din ba ng numero unong dahilan ng kanilang pagiging tatay
ito? Tanggap na nga ba ng mga anak nila ito?
Ang lahat ng
mga una kong nabanggit ay ni sa panaginip di ko naranasan.. nangngailangan ng
matinding pang-unawa, pananalig sa Diyos, positibong pananaw sa buhay, maraming
inspirayson, matatag na puso at malalim na pagmamahal sa pamilya para matanggap
kong hindi lahat ng bata ay mabibiyayaan ng isang haligi ng tahanan..
Maganda
sanang ipanalangin na hindi na maulit o maranasan ng kahit na sinong bata ang
ganitong sitwasyon.. maganda sanang makita ang mundong ito na ang bawat bata ay
naglulumpasay sa kakaiyak mapayagan lang ng kanilang tatay sa paglalaro..
Wala naman
sigurong taong nangarap na itayo ang bahay nila na walang pundasyon.. ikaw ba,
pangarap mo ba to? Sa palagay ko, hindi rin diba?
PS. Super
advance happy father’s day sa lahat ng kakilala kong tatay!magpakatatag kayo!
Naniniwala kaming lahat na kaya niyo yan.. J