LOVE!

"" We love because he first loved us." -

LIVE!

““Keep away from those who try to belittle your ambitions. Small people always do that, but the really great make you believe that you too can become great.”.” -

EXPLORE!..

“One measure of friendship consists not in the number of things friends can discuss, but in the number of things they need no longer mention.”

CELEBRATE!

“I tell you the truth, no one can enter the kingdom of God unless he is born of water and the Spirit. Flesh gives birth to flesh, but the Spirit gives birth to spirit."

MY MISSION, MY PASSION !!

"We are therefore Christ’s ambassadors, as though God were making his appeal through us. We implore you on Christ’s behalf: Be reconciled to God." -

Lunes, Oktubre 17, 2016

The search is over

Im alone. Nag iisa ako at hinahanap ko kung nag iisa din ba ako dati. Im trying to dig deeper, hopefully to find answers. Di kaya ng memory ko, sinubukan kong balikan, ang tanging naisagot niya ay baka panaginip lang yung gusto kong balikan. Gusto kong puntahan, yung panahong alam kong madami kami at masaya. Yung time na nag eenjoy lang kami, walang problema, walang iniisip, masaya, sobra.

Sumisikip na ang dibdib ko, pero wala akong mabalikan. Noon pa ba ako nag iisa?




Di na ako makahinga at paulit ulit na may sinasabi sakeng ako'y nag iisa. Wala daw akong karamay, wala daw akong nakausap, wala daw mga taong nagpasaya at nakasama. Mag isa lang daw ako. 

Buti nalang panaginip lang yun. Hindi ako nag iisa. Sa mundong ito, marami akong kasama, marami akong kakilala, marami akong nakakausap, marami kami. Nag eenjoy kami, masaya kami. Hindi totoo ang panaginip kong yun. Hindi totoo yun.



Ilang gabi at umaga na akong nagigising having same dream. Yung pagkagising ko, naninikip ang dibdib ko, kasi pinipilit kong ipaglaban sa panaginip ko na di ako nabubuhay mag isa.  Habol hininga ang bawat gising kong ganun. Yung pakiramdam ko na mauubusan ako ng hangin kakahanap sa isip ko na hindi totoo ang laman ng panaginip kong yun. Bakit nga ba? Bakit ba paulit ulit yun? Bakit paulit ulit akong binabalikan ng bangungot na yun?

I talked to God, and as I write this entry, I had few realizations. Yes, oo nga madami akong nakakausap, nakakasama, nakikita, madami akong kakilala at never pa naman akong nag isa. Tama nga yun. Totoo ngang madaming tao ang nakapaligid sa aken. Pero kung iisipin, sa lahat ba ng nakakausap ko, may nakinig ba? Sa lahat ba ng nakakasama ko, may concerned ba? Sa mga nakapaligid ba saken, ilan ba ang totoong may malasakit at nagmamahal? Sa mga taong laman ng bawat oras ko, alam ba nila laman ng puso ko?

Well, hindi ko din alam, hindi ko alam kung may nakikinig, kung may nagmamahal, kung may nagmamalasakit o kung may nakakaramadam ng minsang lungkot at happiness ko. Hindi ko alam kung may idea sila sa mga oras na minsan sobrang saya ko at sa mga oras na halos gusto ko ng mamahinga. Hindi ko alam. Wala akong alam. All I know is that Im happy because of them. Yun ang isa sa mga realizations ko, yung anjan sila, masaya na ako. 
Yung di sila nawawala sa paligid ko, ok na ako. 
Walang kaso saken kung nakikinig sila or may alam ba sila sa bawat good or bad days ko.  
Basta andyan sila, sapat na.

Another realization is yes, I maybe alone in this world. Alone in a sense na wala akong mapagsabihan ng mga extremes ko. Pero for sure, I am not alone. 

May Diyos ako.

Sa mga oras na masaya, si Lord ang nakakalaam, at sa mga oras na hindi, pwede namang umiyak at tawagin ulit ang Panginoon.

I don't need to search for more. I have God, and that is so much more.

As wide as this ocean is Your love for me my Savior! I will never be alone.
As wide as this ocean is Your love for me my Savior!
I will never be alone. 




Miyerkules, Enero 20, 2016

For The Woman Who Longs To Be Cherished