nagsimula ang taon sa isang makasaysayang pag uusap namin..
enero ng taong ito, unang linggo ng buwan, nang bigla Niya akong tawagin..Princess Diaries--- isang recollection na nagsilbing tanglaw sa buong taon ko..Marami siyang sinabi, maraming gustong iparealize sakin..Hinding hindi ko makakalimutan ang paulit ulit Niyang pagpapaalala sakin na isa ako sa pinakamagandang creation Niya..napakasarap sa puso..sobrang sarap..
february..ICON ng singles for christ..isang event na ni sa panaginip di ko nakita...na posible palang ang mga kabataang tulad namin ay magkakatipon tipon para ipaglaban at panindigan ang Kanyang salita..isang napakamakahulugang weekend na puno ng pagmamahal na galing sa Kanya.. isang realization, na kailanman di ko na makakalimutan..
Nagtuloy tuloy pa ang pagtawag Niya sakin..Hindi ako makatanggi..ewan ko nga ba kung bakit..sunod sunod na pagtawag..minsan naglalambing, minsan authoritative, minsan naman seryoso, at madalas nagmamakaawa..
lumipas ang buwan ng marso hanggang hulyo..kahit pagod, kahit puyat, kahit walang pera, di ko natanggihan ang mga simpleng hiling Niya..naisip ko nalang, walang wala ang mga iyon kumpara sa mga nagawa Niya para sakin..dun palang, bawing bawi na Siya...
July din ng muli Niyang pinalaalala sakin na wala akong ibang kakapitan kundi Siya..Metro Manila Conference...pinaramdam Niya sakin na di ako nag iisa..Yinakap Niya ako sa kabila ng mga pagkukulang ko..Ramdam na ramdam ko ang comfort sa mga araw na nasasaktan ang puso ko..Ang saya saya ko ng hinayaan Niyang tumulo ang mga luha ko..kakaiba tlga Siya..
habang tuloy tuloy ako sa pagtupad ng mga simple Niyang kahilingan, tuloy tuloy din ang Kanyang pagbuhos ng mga biyaya..ang saya, sobrang saya..walang problema, walang stress, walang gulo...
October----nang biglang nasubok ang pananalig ko sa kanya..bigla akong nakaramdam ng pagod, nang inis, nang pagsasawa sa lahat ng ginagawa ko..biglang may kung anong idea ang gustong sumakop sa isip ko..di makontrol, pabalik balik, gusto akong pangunahan sa mga ginagawa ko..sobrang nakakapagod...bigla kong nakwestiyon ang sarili ko kung bat ako nagpapakapagod..napakasama ng pakiramdam ko..gusto kong mag isa ng mga panahong iyon..
Ngunit sadyang napakabait pa rin Niya sakin..walang hanggan ang pakikipaglaban Niya para muli akong makasama..sa isang FIRESTORM RALLY, tuluyan Niya akong hinugot sa madilim na sulok na kinalalagyan ko..walang tigil ang mga luha sa pagbuhos..walang tigil ang pagyakap Niya sakin..alam kong masakit ang mga nagawa ko, pero walang pakundangan Niya akong pinatawad at muling kinupkop...
Tunay Niya akong mahal..hindi ko maexplain, pero ramdam na ramdam ko yon..hanggang ngayon..
Nobyembre...sunod sunod ang pagrecover ko..Hindi Niya ako iniwan.. minu minuto Siyang nakikipaglaban upang muli Niya akong makasama...wala Siyang tigil..ramdam ko ang pagod Niya..
At sa huli, gaya ng inaasahan ko, walang dudang nagtagumpay Siya ..Napakagaling..Sobrang saya..
Huling buwan ng taon..Muli Siyang naglambing..at wala akong karapatang biguin Siya..Simple lang naman ang hiling Niya sakin, "PASAYAHIN MO ANG MGA MAHAL KO"..clear na clear ang pagkakabulong Niya..akala ko nung una, ako lang mag isa ang gagawa, pero di parin Niya ako iniwan..binuhos Niya lahat ng materyal kong kakailanganin upang tuparin ang hiling Niya..nakakatuwa lang kasi kahit sarili Niyang wish, tumulong pa rin Siya para magawa ko yun..Mahal Niya akong talaga...walang duda...nakakatuwa Siyang talaga...
Di pa man natatapos ang taong ito, walang hanggan na ang pasasalamat ko sa Kanya sa pagbibigay sakin ng isang napakaproduktibong taon sa piling Niya..hindi ko alam kung panu ako babawi..di ko rin alam kung anu pang dapat kong ibigay..ayokong mangako, pero habang nabubuhay ako, habang may pagkakataon, at habang may mga opportunity Siyang ibibigay, handa akong ibuhos ang lakas ko sa pagtupad ng mga simple Niyang kahilingan..
NAPAKASAYA KO PO AT NAKILALA KITA ... maligayang kaarawan SAYO!!