isang pagkakatong napalampas ko na naman..
mayron akong isang panalangin na parang sadyang tinutupad Niya..
di ko alam kung talaga nga bang sagot iyon o ako lang ang nagkukumbinsi sa sarili kong sagot nga yon.
matagal na yun.. sabi ko nga gusto ko ng sabihin..lagi mo kasi akong inaasar..di ko alam kung ako lang ba ginaganyan mo o lahat kami..
di ko din alam kung dapat ko ba talaga yung sabihin...kapag sinabi ko ba matutuwa ka?o kaya naman kapag sinabi ko ba iiwas kana?
yan lang naman dalawang tanong na laging nasa isip ko..simpleng tanong, pero mabigat sa puso.
oo, mabigat..di ko alam kung anong mangyayari eh..kaya mas pipiliin ko nalang yung kung saan tayo magtatagal..walang iwasang mangyayari, yun nga lang, wala ding kasiyahang magaganap..
mahirap sakin..kasi ako ang nakakaramdam..di ko din kasi alam kung pareho ba tayong nararamdaman o sadya ka lang talagang natutuwa sakin..ang problema, di na ako natutuwa eh, umaasa na ako..mali,pero yun ang nabubuo sa puso ko..
sayang lang...kasi habang nakikita at nakakasama kita, lagi ko paring naiisip, anu kaya kung nasabi ko yun?lagi paring naglalaro sa isipan ko ang mga tanong na gusto kong sagutin mo..
lagi ko paring naiisip, panu kaya kung naging tayo?
masaya pa rin naman ako kasi andyan ka..pero mas sasaya sana ako kung di ko napalampas ang pagkakataong tanungin ka..
alam kong matagal pa tayong magsasama, alam kong matagal mo pa rin akong aasarin,bibiruin, kukulitin..
at
alam ko ring matagal din akong aasa, mag aantay, magbabakasakali...
pero kahit matagal, dun naman tayo magtatagal...